Ilocos Norte at Agusan Del Norte, niyanig ng lindol

Ilocos NorteMagkasunod na niyanig ng lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte at ang bayan ng Jabonga sa Agusan Del Norte.

Alas 12:56 ng madaling araw nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa Pagudpud.

Naganap ang lindol sa 37 kilometers North ng Pagudpud na may lalim na 22 kilometers.

Nagdulot ito ng Intensity 2 sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Samantala, ala 1:50 naman ng madaling araw nang yanigin ng 2.2 magnitude na lindol ang Jabonga, Agusan Del Norte.

AYon sa Phivolcs naitala ang epicenter ng pagyanig sa 17 kilometers West ng bayan ng Jabonga.

May lalim namang 33 kilometers ang lindol.

Bagaman mahina ang lindol, naitala pa rin ang Intensity 2 sa Surigao City.

 

 

 

 

Read more...