Tinupok ng apoy ang isang commercial establishment sa Ynares Ave., Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-onse ng gabi, sa pagawaan ng hose na ginagamit sa power steering.
Mabilis umanong kumalat ang apoy sa likurang bahagi ng pagawaan, kung saan naroon rin ang isang junk shop.
Nagtulong-tulong ang walong trabahador na nasa loob ng pagawaan para apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher, pero hindi nila ito kinayang patayin.
Limang pinto ang tinupok ng apoy, kabilang ang isang dental clinic, isang bilihan ng feeds, isang hardware, at isang warehouse ng kahoy na palochina.
Pasado ala-una na nang madaling araw nang ideklarang fire under control ang sunog.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa nasabing insidente.
Umabot sa 2nd alarm ang sunog, habang inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.
WATCH: 5 establisyimento ang tinupok ng apoy sa Taytay Rizal | @CyrilleCupino pic.twitter.com/4MIyzZkEf7
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 2, 2017
WATCH: Kabilang sa nasunog ang pagawaan ng hose, dental clinic, bilihan ng feeds, hardware, at warehouse ng palochina | @CyrilleCupino pic.twitter.com/VJh66ZTTHg
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 2, 2017