Kabilang na ngayon sa listahan ng mga US billionaires ang utak sa likod ng sikat na social media at mobile application na Snapchat, na anak ng isang Filipina.
Dahil sa pag-buo sa Snapchat, kasama na sa youngest billionaires sa mundo ang Filipino-American na si Robert “Bobby” Murphy at ang kaniyang co-founder na si Evan Spiegel.
Ayon sa Forbes, tinatayang nasa $4 billion dollars na ang halaga ng yaman nina Murphy at Spiegel, bawat isa.
Si Murphy, 28-anyos, ang technical director ng nasabing hit smartphone application.
Sumikat ang Snapchat dahil sa feature nito kung saan mawawala ang mga messages mo pagkatapos itong ma-view.
Kamakailan lang, dumaan sa rebranding ang nasabing application at ginawa na lang itong “Snap.”
Sina Murphy at Spiegel ay kapwa mga estudyante noon sa Stanford University na nagkakilala sa Kappa Sigma fraternity, na nagdesisyong gumawa ng kakaiba dahil hindi sila “cool” noon.