Pres. Duterte, masayang bumisita sa bagong-silang na apo

 

FB/SAP Bong Go

Masayang dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bagong-silang na apo na anak ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ospital kagabi.

Mula sa Cebu, dumating si Pangulong Duterte dakong alas 11:15 ng gabi, Huwebes sa Davao Doctors Hospital at agad na dumiretso sa hospital room ng kanyang anak at apo na si ‘Stonefish’.

Masaya namang nagpakuha ng larawan ang pangulo sa tabi ng kanyang apo na agad na kumalat sa social media.

Sa ngayon, libu-libong ‘likes’ na at comments ang inaani ng naturang larawan na kuha ni Special Assistant to the President Bong Go.

Marami ang nagpapahayag ng kasiyahan sa larawan ng mag-lolo.

Kahapon, isinilang ni Mayor Inday Sarah sa Davao Doctors Hospital ang ikatlo nilang anak ni Atty. Carpio na binigyan ng palayaw na ‘Stonefish’.

May dalawang anak na sina mayor Sara na Sharkey, 7, at Stingray na tatlong taong gulang.

Read more...