Halaga ng piso, patuloy ang pagbulusok

 

Patuloy ang pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar.

Sa pagsasara ng trading kahapon, naitala ang halaga ng piso sa P50.31 kada isang dolyar, na mas mababa sa P50.28 noong Miyerkules.

Masa mataas lang ito ng isang sentimo sa pinakabamababang antas na naitala noong September 26, 2006 na P50.32 kada dolyar.

Ang 2006 rate ng peso-dollar exchange ay ang pinakamababang halaga ng piso sa loob ng sampung taon.

Sa Philippine Dealing System, umabot pa sa pinakamababang antas ang palitan sa P50.345 kada dolyar at pinakamataas na P50.27 per dollar.

Read more...