Hindi naman dumalo ang mga respondents na pinangungunahan ng mga opisyal ng Unilever Philippines, Close-up at security organizers.
Sa halip, tanging mga abogado lamang ng mga nabanggit na respondents ang dumating sa imbestigasyon.
Sa isinagawang imbestigasyon, muling iginiit ng limang bouncer sa ‘rave party’ ang kanilang sinumpaang salaysay kay Associate Prosecution Attorney Anna Noreen Devanadera.
Maging ang mga magulang ng dalawa sa mga biktima na sina Gemma Miyagawa and Bibiane Fontejon ay nanindigan sa kanilang reklamo.
Kabilang sa limang nasawi sa naturang rave party ay sina Ken Miyagawa, 18 yrs old; Eric Anthony Miller, 33 yrs old, isang American national; Ariel Leal, 22 yrs old; Bianca Fontejon, 18 yrs old; at Lance Garcia, 32 yrs old.
Ang limang biktima ay bigla na lamang nawalan ng malay sa kasagsagan ng “Forever Summer ” open-air concert noong May 21, 2016.
Lumabas sa isinagawang autopsy na isang uri ng dangerous drug ang naging sanhi ng pagkasawi ng mga biktima.