Mga suspek sa Atimonan massacre, nakapag-pyansa na

 

Inquirer file photo

Dahil pinayagan na sila ng Manila Regional Trial Court Branch 34, nakapag-lagak na ng pyansa ang mga suspek sa madugong Atimonan massacre na nangyari noong 2013.

Naglabas agad ng release order ang korte matapos makapagbayad ng P300,000 na halaga ng pyansa ang mga nasabing suspek.

Kabilang dito sina dating Supt. Hansel Marantan, Chief Insp. Grant Gollod, Senior Insp. John Paolo Carracedo, Senior Insp. Timoteo Orig, SPO3 Joselito De Guzman, SPO1 Carlo Cataquiz, SPO1 Arturo Sarmiento, PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.

Nakalabas na mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center si Marantan at iba pang mga suspek dakong alas-9:00 ng gabi ng Huwebes.

Nahaharap sila sa mga kasong multiple murder dahil sa pagkakasawi ng 13 katao sa naging umano’y shootout sa checkpoint ng mga pulis at militar sa Atimonan Quezon noong Enero 2016.

Walang pyansa ang kasong murder, ngunit dahil wala pang mailabas na matibay na ebidensyang magpapatunay na may sala ang mga suspek, pumayag ang korte na payagan silang mag-pyansa.

Read more...