Iba’t ibang armas, nakuha sa bahay ni Ka Angel Manalo

Nakarekober ng mga kagawad ng Quezon City Police District ang assorted na mga armas mula sa bahay ni Ka Angel Manalo ng Iglesia ni Cristo.

Base sa natanggap na inisyal na impormasyon ni QCPD Director Guillermo Eleazar, nakakuha ang mga kagawad ng Station 3 ng isang M16, isang shotgun, dalawang carbin, isang rifle grenade at isang kalibre 40 na pistola.

Ayon kay Eleazar, isasailalim ang mga nasabing baril sa ballistic examination at si Ka Angel at ang tatlumpu’t isang kasamahan nito sa paraffin test.

Ito aniya ay para malaman kung sino sa mga ito ang nagpaputok sa mga nagsilbi ng search warrant sa bahay sa Tandang Sora, QC.

Inaasahan namang sa Camp Karingal na magpapalipas ng magdamag ang grupo ni Ka Angel.

Read more...