License to lie at hindi license to kill ang dapat na naging title ng report ng Human Rights Watch na nagsasabing maaring maging criminally liable si Pangulong Rodrigo Duterte sa international court dahil sa nagaganap na extra judicial killings sa bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, incredible at puro kasinungalingan lamang ang laman ng report ng Human Rights Watch.
Base sa ulat ng Human Rights Watch, mayroon silang imbestigador na nag-interview sa pamilya ng mga nabiktima umano ng pagpatay ng mga otoridad.
Ayon kay Panelo, hindi na kataka-taka kung sasabihin ng pamilya na biktima ng EJK ang napatay na kaanak dahil natural na hindi aamin ang mga ito na sangkot sa illegal na droga.
Hanggang sa ngayon ayon kay Panelo, wala namang isinasampang asunto sa korte laban kay Pangulong Duterte.