Angel Manalo at Lottie Manalo Hernandez inaresto ng QCPD

Kinumpirma ni Atty. Trixie Cruz-Angeles na inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Office ang kanyang mga kliyente na sina Angel Manalo at ang kapatid nito na si Lottie Manalo-Hernandez.

Sa inisyal na impormasyon, nagsilbi ng warrant of arrest ang mga tauhan ng pulisya kaugnay sa umano’y pakakasangkot ng dalawa sa indiscriminate firing.

Ang nasabing mga kapatid ni Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo ay nasa pangangalaga ng QCPD kung saan sila ay pansamantalang dinala sa gusali ng District Public Safety Batallion.

Sa ngayon ay unti-unti nang dumarami ang kanilang mga tagasuporta na nag-aantabay sa labas ng QCPD Headquaterters sa Camp Karingal sa Quezon City.

Ang magkapatid na Angel Manalo at Lottie Manalo Hernandez ay inaresto ng mga tauhan ng QCPD sa loob ng INC compound sa No. 36 Tandang Sora Avenue sa nasabing lungsod.

Wala pang inilalabas na detalye ang QCPD kaugnay sa nasabing ulat.

Nauna dito ay ikinuwento ni Manalo na noong February 27, pinasok ng mga kalalakihan na pawang inatasan umano ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang compound at saka sinimulang gibain ang bahagi ng bahay gamit ang backhoe.

Kwento pa ni Ka Angel, nadinig pa nila noon si Barangay New Era Chairman Reynaldo Ebron na isa ring INC member na nagsabing “walang makikialam sa kanilang proyekto” gamit ang mega phone.

Sinabi ni Ka Angel na wala silang nagawa dahil nag-panik na ang mga nasa bahay kabilang ang kaiyang asawa at mga anak.

“We wondered what project of theirs we were not supposed to interfere with. A few moments later, a big backhoe entered and started demolishing one part of our house. You may see this on a live video footage we took which aired on Facebook. We couldn’t stop them and the women with us in the home panicked, including my wife and children. Aside from the absence of an ejection case against my house, there is no other case and no court order for what they have done,” ani Manalo.

Sa Facebook post ng page na “Human Rights Violations in the Iglesia Ni Cristo”, ipinakita ang video ng umano ay paggiba sa bahay.

Kabilang sa nawasak ang dalawang kwarto ng bagay, May mga dumating din umanong pulis na tumangging magpakilala.

Dagdag pa ni Ka Angel, anim na araw na silang walang rasyon ng tubig at pagkain sa compound kaya mistulang nauulit ang mga nangyari noong nakaraang taon.

Patuloy din silang nakatatanggap ng pananakot at wala pa ring suplay ng kuryente at tubig.

Inilarawan ni Ka Angel na mas masahol pa sa preso ang kanilang sitwasyon sa ngayon.

 

Read more...