Ex-PNoy dumalaw sa kulungan ni De Lima

PNP custodial
Inquirer file photo

Dumalaw kay Sen Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Campo Crame si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Bago mag alas-dos ng hapon ng dumating si Aquino sa Camp Crame at kaagad na dumiretso sa custodial center.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinapatupad ng base police dahil hindi pinayagan ang media na makalapit sa gate ng custodial center o kahit makakuha man lamang ng larawan o video sa pagdating at paglabas ng dating pangulo.

Wala ring detalye na maibigay ang PNP Public Information Office sa pagdalaw ni Noynoy na umano’y nagrequest na maging private ang pagdalaw sa senadora

Nakapiit sa PNP Custodial Center si De Lima simula pa noong Biyernes ng nakalipas na linggo dahil sa drug charges.

Nauna nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na dadaan sa proseso ang lahat ng mga gustong dumalaw kay De Lima.

Read more...