Pangulong Duterte may bagong apo

Sara baby
Photo: Manases Carpio

Nagsilang ng isang malusog na “Baby Boy” si Davao city Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni mister ng alkalde na si Atty. Manases Carpio na isinilang ni Mayor Sara ang kanilang bunso kaninang 12:56 ng tanghali at may timbang itong 5.3 pounds o 2.42 kilos.

Ayon pa kay Carpio, “ Thank you, Lord, for the gift of life….Mayor Inday Sara is stable and generally fine.

Magugunitang naging maselan ang pagbubuntis ng alkalde kung saan ay naunang naireport na triplets ang kanyang magiging anak subalit dalawa sa mga ito ang namatay sa mga unang linggo ng kanyang pagdadalang-tao.

Ito na ang pang-siyam na apo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Read more...