P1,000 na dagdag sa pensyon ng SSS pensioners, makukuha na bukas

SOCIAL SECURITY / JANUARY 14, 2016 A elderly man with his companions walk pass an SSS sign in Manila on Thursday, January 14, 2016.  President Aquino vetoes on Thursday the SSS pension hike bill. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Simula bukas (March 3), maari nang makuha ng mga pensioner ng Social Security System (SSS) ang P1,000 na dagdag sa kanilang pensyon.

Ayon sa SSS, sa ngayon mayroon silang aabot sa 2 milyong pensyonado.

Sinabi ng SSS na umabot sa P2 bilyon ang naideposito na ng SSS at bukas, available na ito para ma-withdraw ng mga pensioner.

Magugunitang retroactive ang inaprubahang dagdag pensyon o mula buwan ng Enero ngayong taon.

Kaya ang sunod na dagdag na tig-isang libo pa ay ibibigay naman ng SSS sa March 10 at 17.

 

 

Read more...