Motorcycle rider nahulog sa EDSA-Buendia flyover

EDSA Buendia Mar 2Malubhang nasugatan ang isang motorcycle rider matapos itong tumilapon mula sa sinasakyang motorsiklo habang binabagtas ang flyover ng EDSA-Buendia northbound.

Nahulog sa motorsiklo at bumagsak ibaba ng EDSA-Buendia ang nasabing rider, habang ang motorsiklo nito ay naiwan sa flyover.

Ayon kay Charlie Nozares ng MMDA metrobase, walang malay ang rider nang bumagsak ito sa ibaba ng flyover at agad inasistihan ng rescue team.

Hindi pa matukoy kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng rider.

Naapektuhan ng labos ang daloy ng traffic sa northbound lane ng EDSA-Buendia bunsod ng nasabing aksidente.

 

 

 

Read more...