QC road rage suspect nasa Boracay ngayon ayon sa QCPD

Inquirer Photo Jhesset Enano
Inquirer Photo Jhesset Enano

Matapos ilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang kaniyang pagkakakilanlan at larawan, bumiyahe patungong Boracay si Fredison Atienza na suspek sa insidente ng road rage sa lungsod noong February 25.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation laban kay Atienza ang pinagsanib na pwersa ng Aklan Police at QCPD.

Samantala, sinabi ni Sr. Inspector Jess Baylon, hepe ng Malay, Aklan police station, positibong nasa Boracay si Atienza batay sa isinagawa nilang surveillance.

Nakipag-unayan na rin ang mga otoridad sa aviation police para agad hulihin si Atienza sakaling mamamataan ito sa mga paliparan.

Sa mga turista at residente naman sa Boracay, maaring mag-text o tumawag sa 09075036235 kapag namataan nila si Atienza.

 

 

 

Read more...