Pumalo sa 46.32 pesos ang palitan ng piso kada dolyar ngayong araw, Lunes, August 17.
Ito na ang pinakamababang palitan ng piso at dolyar sa loob ng limang taon.
Mula sa 46.21 pesos, bumaba ito ng 11 sentimos ngayong araw.
Ayon sa mga analyst, ang malakas na pasok ng US data ang isa sa mga nakaapekto sa halaga ng piso ngayong araw.
Bukod dito, ang pagliit ng gross domestic product ng Japan na isa sa mga major trading partners ng Pilipinas ang lalong nagpahina sa halaga ng piso.
Bumaba ang GDP ng Japan ng 0.2 percent sa second quarter ng taong ito./ Jen Cruz-Pastrana
MOST READ
LATEST STORIES