Ex-Senator Agapito ‘Butz’ Aquino, pumanaw na

butz aquino
Inquirer file photo

(Update) Pumanaw na si dating Senador Agapito ‘Butz’ Aquino sa edad na 76 years old.

Si ‘Butz’ ay kapatid ni dating senador Ninoy Aquino at dating senador Tessie Aquino-Oreta at tiyuhin naman ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kinumpirma ni Senador Bam Aquino, na pumanaw na ang kanyang tiyuhin ngayong hapon lamang sa Cardinal Santos Hospital dahil aniya sa ‘natural causes’.

Isa si ‘Butz’ sa mga founding member ng August Twenty One Movement o ATOM na naging malaki ang papel sa pagpapatalsik sa rehimeng Marcos noong 1986.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang liderato ng senado sa pamilya ni dating senador Butz Aquino.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kaisa ang senado sa pagluluksa ng sambayanan sa pagpanaw ni Aquino.

Ilan sa mga panukalang batas na naipasa ni Aquino bilang senador ay ang ‘Magna Carta for Small Farmers’ at ‘Cooperative Code of the Philippines.’

“I join the nation in mourning the demise of a good friend, former Senator Butz Aquino. Butz had played a very important role in the EDSA revolution. He was a civic organizer. He helped formed various organizations including the August Twenty One Movement, whose members bravely fought for the restoration of our freedom. As a legislator, his legacy laws have been benefiting our countrymen, such as the Magna Carta for Small Farmers and the Cooperative Code of the Philippines. On behalf of the Senate, I extend our condolences to the family of Butz,” mensahe ni Drilon.

Isang misa ang isasagawa sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Ave., Quezon City dakong alas 7:00 ng umaga bukas, Martes August 18, bago i-cremate ang labi ng dating senador./ Chona Yu

 

Read more...