Panelo: Trillanes posibleng bumalik sa loob ng kulungan

panelo2
Inquirer file photo

Bubusiin ng Malacañang kung legal at naayon sa Konstitusyon ang iginawad na amnestiya ni dating Pangulong Benigno Aquino III kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, pag-aaralan niya ang kaso at kung may batayan ang amnestiya ni Trillanes.

Una rito, nagduda na ang ilang legal groups sa legalidad ng ibinigay na amnestiya kay Trillanes dahil hindi naman ito na-convict sa kasong rebellion.

Sinabi ni Panelo na aalamin niya ang “facts” ng kaso ni Trillanes at kung mapatunayang hindi valid ang ibinigay na amnestiya ay posibleng mabalik ito sa kulungan.

Si trillanes ay nakasuhan ng rebelyon dahil sa pag-aaklas sa pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo subali’t nabigyan ng amnestiya ni Aquino noong 2010.

Read more...