Ayon kay CHR Comissioner Karen Dumpit, binabantayan nila ang kondisyon at seguridad ni De Lima sa PNP custodial center.
Nakababahala aniya na si De Lima lamang ang babae sa dalawampu’t anim na bilanggo na nasa nabanggit na bilangguan at karamihan pa sa mga nakadetine ay ilan sa mga inimbestigahan ng senadora noong nasa CHR pa siya at kalahim ng Ddepartment of Justice.
Kasabay nito, hinimok ni Dumpit ang pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan ni De lima habang nakakulong sa nasabing detention facility.
Si De lima ay dating Chairperson ng CHR sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Noong nakaraang Huwebes, naglabas ng warrant of arrest si Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 laban kina De lima, dating Bureau of Correction OIC Rafael Ragos at Ronnie Dayan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa paglaganap ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons.