Kopya ng Paris climate change protocol nasa Senado na

Loren paris
Photo: Jan Escosio

Tinanggap ni Sen. Loren Legarda ang kopya ng Instrument of Ratification for the Paris Agreement na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kopya ay dinala sa senado ni senior deputy Executive Sec. Meynard Guevarra.

Giit ni Legarda napakahalaga ng kasunduan sa bansa dahil isa ang Pilipinas sa lubos na nakakaramdam ng epekto ng climate change.

Aniya ang pagratipika sa kasunduan ang magiging daan para makinabang din ang Pilipinas sa $100 Billion green climate fund.

Nauna nang ipinaliwanag ni Legarda na siyang Chairperson ng Senate Committee on Climate Change sa mga miyembro ng gabinete ang kahalagahan ng naturang pandaigdigang kasunduan para mapangalagaan ang kalikasan.

Read more...