Pagbabalik ng “Oplan: Tokhang” ng PNP kayabangan lang ayon kay De Lima

De Lima grim
Inquirer file photo

Mula sa kanyang kulungan sa Camp Crame ay nakapagpalabas ng kanyang pahayag si Sen. Leila De Lima para tutulan ang pagbabalik ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay De Lima dapat ay ayusin muna nila ang mga depekto ng kampanya dahil naabuso at nagagamit ito sa maling paraan.

Dagdag pa ng senadora dapat ay tapusin muna ang internal cleansing sa hanay ng mga pulis at kasuhan ang bugok na alagad ng batas dahil ginagamit lamang ito sa kayabangan ng ilang mga law enforcers.

Giit pa nito kinikilala naman niya ang seryosong problema ukol ng droga sa bansa ngunit hindi dapat hayaan ang mga patayan na idinidikit sa war on drugs ng gobyerno.

Read more...