Biyahe ng MRT, nagka-aberya, mga pasahero pinababa

Service Status Mar 1Nakaranas na naman ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong umaga ng Miyerkules, March 1.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang twitter account, alas 9:17 ng umaga nang pababain sa Cubao station southbound ang mga pasahero.

Sinabi ng MRT na nakaranas ng mechanical brake failure ang tren kaya para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, pinababa na lang sila at pinasakay sa kasunod na tren.

“To ensure the safety of the passengers, MRT-3 unloaded passengers at 9:17 a.m. Cubao Station SB due to mechanical break failure,” nakasaad sa abiso.

Agad namang naibalik sa normal ang biyahe ng MRT matapos maisakay sa ibang tren ang mga naapektuhang pasahero.

 

 

Read more...