Ilang biyahe ng eroplano, kanselado dahil sa sama ng panahon

Flight Adv Mar 1Kinansela ang ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela na ang biyahe ng Cebu Pacific na flight 5J 321 Manila to Legazpi at flight 5J 322 Legazpi to Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa Albay.

Sa inilabas na weather outlook ng PAGASA ngayong araw na ito, umiiral ang northeast monsoon sa Northern at Central Luzon.

Habang easterlies naman ang nakaaapekto sa Eastern section ng Southern Luzon, Visayas at sa Mindanao.

 

 

 

 

 

Read more...