WATCH: Taxi nasunog sa White Plains, QC

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang nasunog na taxi sa kanto ng EDSA White Plains sa Quezon City.

MMDA Phoito

Nagkataong rush hour nang mangyari ang insidente na ayon sa driver ng taxi na si Alex Andao ay bigla na lamang umusok ang makina ng sasakyan.

Sinabi ni Andao na nakita na lamang niyang umuusok ang unahang bahagi ng taxi kaya nagmamadali siyang bumaba at kaniyang pasahero.

Pagkababa umano niya at ng kaniyang pasahero ay tuluyan nang nag-apoy ang taxi na Toyota Vios na may plakang UWA 674.

Kaagad namang rumesponde ang Marilag fire substation para apulahin ang apoy.

Tupok na tupok ang taxi at hindi mapapakinabangan.

Alas 6:38 ng umaga nang maapula ang apoy.

 


 

 

 

 

Read more...