Maagang dumagsa ang publiko sa mga simbahan para dumalo sa Ash Wednesday mass ngayong umaga.
Ngayon, March 1 ang pormal na pagsisimula ng apatnapung araw na lent season o panahon ng kwaresma para sa mga Katoliko.
Hudyat nito ang Ash Wednesday o pagpapahid ng abo na araw ng penitensya o cleansing of the soul.
Sa Quiapo Church sa Maynila, sunud-sunod ang idinaos na misa na nagsimula kaninang alas 5:00 ng umaga.
Sa Redemptorist Church naman sa Baclaran, maaga ding dumagsa ang mga tao para magsimba.
Sa April 9, 2017 ang Palm Sunday habang sa April 10 ang pagsisimula ng Holy Week.
WATCH: Sitwasyon sa Baclaran Church ngayong Ash Wednesday | @CyrilleCupino pic.twitter.com/fXUf5dxfFX
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) February 28, 2017
@dzIQ990 mga katoliko dagsa sa Baclaran church ngayong ash wednesday pic.twitter.com/dLYgl2BaLl
— Ricky Brozas (@BrozasRicky) February 28, 2017