Petron, may rollback sa presyo ng LPG ngayong unang araw ng Marso

March LPG RollbackNagpatupad ng bawas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron ngayong unang araw ng buwan ng Marso.

Epektibo ang rollback ng Petron sa kanilang Gasul at Fiesta Gas kaninang alas 12:01 ng madaling araw.

35 centavos kada kilo o katumbas na P3.85 kada 11-kilogram cylinder ang ibinawas sa presyo ng LPG.

Habang may rollback din na 20 centavos per liter ang nasabing kumpanya sa kanilang autoLPG.

Ayon sa Petron, ang rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...