Ayon kay Dominguez, magkaiba ang dalawa, dahil sa pagiging kalihim, kailangan niyang balansehin ang pangangailangan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Kailangan din aniya tiyakin ng isang kalihim na ang mga bibitiwan niyang desisyon ay mas makabubuti para sa mas nakararami, at dapat niya munang ikonsidera ang lahat ng mga maaapektuhan bago niya ito gawin.
Hindi rin aniya dapat ihalo ni Lopez ang kaniyang mga personal na isinusulong na adbokasiya sa pag-gampan niya sa mga tungkulin bilang kalihim.
Payo pa ni Dominguez, tiyakin dapat na masusunod ang due process kung itutuloy niya ang desisyong pagpapasara sa maraming minahan.
Matatandaang 28 minahan ang ipinasasara ni Lopez, habang pinakakansela naman niya ang kontrata ng 75 na iba pang minahan.