Malacañang, suportado si Yasay sa isyu ng citizenship

 

Suportado pa rin ng Palasyo ng Malacañang si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay Jr. sa kabila ng mga ulat na posible siyang nag-sinungaling tungkol sa pagkakatoon ng American citizenship noon.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, naniniwala silang “very credible, logical and reasonable” ang naging tugon ni Yasay tungkol sa nasabing isyu.

Ito ang naging reaksyon ni Abella sa kontrobersyang bumabalot sa appointment ni Yasay matapos ilabas ng Inquirer ang isang ulat na naging US citizen si Yasay noong 1986.

Bagaman ni-renounce niya ito noong 1993, bigo naman umano si Yasay na i-reacquire ang kaniyang Philippine citizenship.

Pormal na ni-renounce ni Yasay ang kaniyang US citizenship dalawang araw lang bago siya maitalaga sa Gabinete noong nakaraang taon.

Gayunman, sinabi ni Yasay sa kaniyang affidavit na may petsang Feb. 23, 1993 na isinumite sa Commission on Appointments, bagaman nabigyan siya ng United States citizenship noong November 24, 1986, ang desisyon niyang bumalik sa Pilipinas sa loob ng isang taon ang nag-disqualify sa kaniya dito.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson na pinuno naman ng CA committee on foreign affairs, posibleng makasuhan ng perjury si Yasay dahil sa panunumpang kailanman ay hindi siya nakakuha ng US citizenship.

Read more...