Unang itinakda ng DepEd ang nasabing pagsusulit ngayong araw, March 1 hanggang bukas, March 2.
Ang NCAE at NAT ay isang pagsusulit na mag-aassess at mag-eevaluate ng aptitude, skill at inclination ng isang estudyante sa isang partikular na occupational field.
Isinasagawa ang NCAE sa mga junior high school students, habang ang NAT naman ay para sa mga Grade 6 students.
Gayunman, base sa Memorandum No. 29 ni Education Sec. Leonor Briones, kailangan muna nilang ipagpaliban ito dahil sa “logistical limitations.”
Sinasabing hindi umano nai-deliver ng supplier ang mga test papers na gagamitin ng mga estudyante para sa NCAE.
Sa kabila naman ng pagkaka-postponed ng NCAE sa Metro Manila, magpapatuloy pa rin ang mga nakatakdang pagsusulit sa ibang mga rehiyon o lalawigan ngayon at bukas, alinsunod na rin sa Memorandum No. 16, series of 2017.
Pagde-desisyunan naman ng mga regional at schools division offices kung kailan itatakda ang bagong petsa ng naturang pagsusulit.