Pagbaklas ng mga oil companies sa Pandacan depot, binisita ni Mayor Erap Estrada

Kuha ni Erwin Aguilon

Nag-inspection si Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa Pandacan oil depot.

Ito’y upang personal na alamin ang status ng decommissioning ng oil depot ng Shell, Chevron at Petron bilang bahagi ng tuluyan nitong pagsasara sa Enero 2016.

Una nang nakipag-ugnayan ang alkalde sa mga punong Barangay doon kung saan naisilbi na ang notice para bakantehin nila ang lugar upang gawing commercial at residential area ang 19.2 hektaryang lupain ng oil depot.

Ayon kay Erap, bibigyan ng prayoridad na mabigyan ng trabaho ang mga nakatira sa mga barangay na apektado ng pagsasara ng oil depot.

Hindi na rin tumutol ang mga residente sa pag-alis sa nasabing oil depot para na rin sa kanilang kaligtasan lalo pa‘t nagbabanta ang West Valley Fault.

Una na ring natanggap ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang report ng Manila Regional Trial Court Branch 39 kaugnay sa isinumiteng “removal at relocation plans” ng mga Chevron, Shell at Petron bilang tugon sa kautusan ng Supreme Court./ Ricky Brozas 

 

Read more...