Lalaine Martinez, protektado na ng NBI

 

Binigyan ng seguridad ng National Bureau of Investigation si Lalaine Martinez, asawa ng high-profile inmate na si Noel Martinez na isa sa mga tumestigo sa Kamara de Representantes kaugnay ng Bilibid Drug Trade.

Ayon kay NBI Deputy Director at Spokesperson Ferdinand Lavin, may security arrangement nang ipinatutupad ang kawanihan para kay Lalaine.

Si Lalaine ay may hawak umanong recording na magpapatunay na inalok ng suhol ang mga Bilibid Inmate kapalit ng pagbawi nila ng testimonya laban kay Senador Leila de Lima.

Nabatid pa na si Lalaine ay dalawang buwang nagdadalantao.

Kahapon, tinukoy ng NBI na kumpirmadong nasangkot si Lalaine sa shooting incident sa Makato City noong February 23 gayunman hindi pa ito kinukumpirmang ambush.

Read more...