Sasakyang sangkot sa road rage killing, hawak na ng QCPD; manhunt nagpapatuloy laban sa suspek

 

Inquirer Photo Jhesset Enano
Inquirer Photo Jhesset Enano

Nai-turnover na sa Quezon City Police District ang puting Toyota Land Cruiser na sangkot sa isa na naman insidente ng road rage lungsod.

Isinuko sa mga otoridad ang nasabing sasakyan na may plakang AHA 3458 matapos ipag-utos ng abogado ng suspek na si Fredison Atienza.

Ang biktimang si Anthony Mendoza na isang IT professional at pinagbabaril umano hanggang sa mapatay ni Atienza matapos ang isang pagtatalo.

Isang nagngangalang Alfamil Yap, na kaibigan umano ng suspek, ang nagdala ng Land Cruiser sa QCPD Headquaters sa Camp Karingal bandang 4:20 ng hapon.

Ayon kay Supt. Rodelio Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, kinuha umano ni Yap ang nasabing sasakyan sa isang lugar sa Bulacan.

 

Read more...