“Sino ba ang mabebenipisyuhan ‘pag ako natanggal dito pero mas lalo nilang ginagawa ‘yan pero pag umatras ang isang tao sasabihin nila duwag. Kaya nga ayokong atrasan ito.”
Ayon kay Poe may mga naririnig na siyang tsismis kung sino ang taong nasa likod ng paninira sa kanya at sinabi niya mismo ito kay Secretary Roxas.
“Sinabi ko sa kanya, alam mo Secretary, tayo pag nag-uusap deretsahan tayong mag-usap pero may mga tao kayo na talagang tinitira ako sa likod. Hangga’t sinusuyo ako pero kabaligtaran naman ang ginagawa ng iba.” Ayon kay Poe.
Samantala, nangako si Senador Poe, na hindi aatrasan ang panibagong reklamo ni Rizalito David sa Commission on Elections (Comelec).
Matapos sa Senate Electoral Tribunal, naghain si David ng panibagong reklamo sa Comelec na nagsasabing nagkaroon ng “misrepresentation” sa panig ni Poe nang isulat nito sa kaniyang Certificate of Candidacy noong 2013 na siya ay isang “natural-born Filipino citizen”.
Aminado si Poe na nasaktan siya nang akusahan ni David na sinungaling kaugnay ng kanyang citizenship.
“Sa isang presscon niya, sinabi nila sinungaling daw ako sapagkat inilagay ko daw sa Father ay Ronald Allan Poe aka FPJ at sa Mother, Jesusa Poe. Dapat daw ang inilagay ko dun “unknown” yung parent. Isa naman po yatang panlalait yan napaka-pang-uuri na po yan. Ang isa pa, yan ang sinasabi niyang kasalanan ko na sinabi ko daw na ako ay isang natural born Filipino citizen… Natural dahil pinanganak ako dito. Wala namang nakakaalam kung foreigner ang dalawa kong magulang. Wala pang lumalapit,” ani Poe.
Sa kabila nito, hindi naman magsasampa ng kontra reklamo ang senadora laban kay David at mas nagpapasalamat pa daw siya dahil nabibigyan siya ng pagkakataon na sagutin ang mga isyu.- Chona Yu/Jimmy Tamayo