Kinalampag ni Bayanmuna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa pamahalaan na tuluyan nang ibasura ang jeepney phase out policy nito.
Paalala ni Zarate, ang jeepney ay hindi lamang Philippine icon kundi source o pinagkukunan ng ikabubugay ng maraming Pinoy.
Sinabi ng mambabatas na malaking dagok din sa ekonomiya kung aalisin ang mga pampasaherong jeepney dahil wala namang alternatibong episyenteng mass transport system sa Pilipinas.
Ani Zarate, ang mga jeepney ay lumalabas na pampuno sa kakulangan sa mas madali at mas murang transportasyon para sa milyun-milyong commuters sa ating bansa.
Para matulungan ang mga jeepney operators at drivers, sinabi ni Zarate na maaaring magbigay ng ayuda ang gobyerno sa mga ito upang i-modernize o ayusin ang kanilang mga unit o kaya ay mamuhunan para buhayin ang jeepney industry sa bansa.