Tuluyan nang hindi pinabiyahe ang isang tren ng Philippine National Railways o PNR, matapos dalawang beses na masiraan ng preno.
Unang nagka-aberya ang tren sa bahagi ng Abad Santos-Antipolo crossing.
Tumagal ng 15-minuto ang pagkakahinto ng tren kaya naharangan nito ang mga papatawid na sasakyan sa nasabing lugar at nagdulot pa ng abala sa daloy ng traffic.
Ang ikalawang insidente ay naganap alas 7:07 ng umaga sa bahagi naman ng Magsaysay crossing bago dumating Sta. Mesa station.
Para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero pinababa na lamang sila sa Sta. Mesa station.
Ayon sa PNR, nagkaproblena ang preno ng tren na ang biyahe ay Tutuban – Alabang.
MOST READ
LATEST STORIES