Kapalaran ni Gina Lopez sa DENR, ipinauubaya na ni Duterte sa CA

duterte lopezIbinibigay na ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kamay ng Commission on Appointments ang kahihinatnan ng confirmation ni Gina Lopez bilang kalhim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Matatandaang una nang nabigo si Lopez na makuha ang confirmation sa CA noong December ng nakaraang taon, ngunit itinalaga lang siya muli ng pangulo.

Ayon sa pangulo, baka hindi na niya ito ulitin at handa naman siyang bitiwan na si Lopez kung talagang hindi pa rin niya makukuha ang confirmation ng CA.

Paliwanag pa ni Duterte, hindi naman niya kontrolado ang careers ng mga tao sa pamahalaan, dahil demokrasya ang umiiral sa bansa.

Gayunman, nilinaw ng pangulo na suportado niya si Lopez dahil kung hindi, hindi naman niya ito ilalagay sa kaniyang Gabinete.

Una nang ibinunyag na may mga nanunuhol umano sa mga kongresista para tutulan ang kaniyang confirmation.

Read more...