Pagpugot ng Abu Sayyaf kay Kantner, kinondena

 

Inquirer file photo

Mariing kinondena ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang pagpugot sa bihag na Aleman.

Matapos niyang kumpirmahin ang sinapit ng dayuhan sa kamay ng mga bandido, sinabi ni Dureza na kinukundena nila ang barbarikong pagpatay sa isa na namang kidnap victim.

Pero iginiit ni Dureza na hanggang sa mga huling sandali, sinubukan ng maraming sektor, tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang buhay ni Kantner.

Sa kasamaang palad aniya, nabigo silang maisakatuparan ito.

Dagdag pa ni Dureza, walang lugar sa bansa ang terorismo, at kailangang labanan ang pamamayagpag ng “violent extremism.”

Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan niya sa mga otoridad sa Germany sa kasagsagan ng pagsubok ng pwersa ng pamahalaan na iligtas si Kantner.

Ipinahatid rin ni Dureza ang kaniyang pakikiramay sa pamilya nina Kantner, pati na sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Read more...