Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na kailangan na ring ibalik ng gobyernong Duterte ang giyera nito laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Alvarez, kinakatigan niya ang panawagan ni Senador Allan Cayetano na buhayin na ang war against drugs matapos ihinto halos isang buwan na ang nakararaan.
Giit ni Alvarez, dapat ay tuluy-tuloy ang kampanya at laban sa droga hanggang sa matapos ang problemang ito.
Mahirap aniya kung urong-sulong ang hakbang ng pamahalaan sa mabigat na uri ng kampanya.
Dagdag ni Alvarez, ngayon ay batid na ng Duterte administrasyon kung saan ito nagkamali sa war against drugs.
Maaari umanong ayusin ang pagkakamali, subalit hindi maaaring hindi ituloy ang pagdurog sa mga sindikato, nagtutulak at gumagamit ng droga.