Kinumpirma ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza na pinigutan ng mga miyembro ng Abu Sayyaf ang kanilang bihag na si Jeurgen Kantner na isang German national.
Ito’y kasunod ng kumalat na video na nagpapakita ng pag-pugot kay Kantner sa hindi binanggit na lugar.
Kahapon ay isinagawa ang pagpugot sa 70-anyos na biktima nang matapos ang kanilang ibiigay na deadline para sa ransom na umaabot sa P30 Million.
Noong Novermber 5 ng nakalipas na taon dinukot ang biktima habang kasama ang kanyang misis sa isang yate na nakadaong sa karagatang sakop ng lalawigan ng Sulu.
Makaraang tangayin ng mga pinaninwalaang Abu Sayyef Group members ay kaagad din nilang pinatay ang asawa ng biktima.
Kahapon ay sinabi ni Major General Carlito Galvez Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na tinutugis na nila ang mga armadong nasa likod ng pagdukot.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakukuha ng mga otoridad ang mga labi ng pinatay na si Kantner.