MNLF nagbigay tulong sa paghahanap sa pinatay ng ASG na German national

In this photo taken on August 12, 2013, Moro National Liberation Front (MNLF) leader Nur Misuari (C) addresses his armed followers in one of their camps in Indanan, Sulu, on the southern island of Mindanao, following his declaration that he was breaking away from the government because he believed they were sidelining his group. Followers of Misuari entered the coastal area of Zamboanga city by boat at dawn on September 9, triggering clashes that left at least one soldier dead and six wounded, the military said.    AFP PHOTO

Tumutulong na rin ang MNLF o Moro National Liberation Front sa paghahanap ng bankay ni Juergen Kantner, ang German hostage ng Abu Sayyaf Group na umanoy pinugutan ng ulo kahapon.

Ito ang sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo sa gitna ng mga unconfirmed reports na ang Aleman ay pinugutan umano ng ulo  ng ASG kahapon sa Indanan, Sulu, makalipas ang itinakda nilang deadline sa pagbabayad ng ransom.

Ayon pa kay Arevalo, patuloy na sinisikap ng militar sa tulong na rin ng mga local authorities na beripikahin ang naturang ulat.

Kasabay nito, tiniyak ni Arevalo na patuloy search and rescue posture ng militar upang mailigtas ang lahat ng bihag ng terroristang grupo.

Binigyang diin pa ni Arevalo na hanggang walang na rerecover na bangkay, hindi makukumpirma ng militar na pinugutan na nga ng ulo ng Abu Sayyaf ang kanilang bihag na Aleman.

Read more...