Sa pagbubukas pa lamang ng sesyon ngayong araw ay kaagad na nag-moved si Sen. Manny Pacquiao para ideklarang bakante ang posisyon bilang ni Sen. Franklin Drilon bilang Senate President Pro-Tempore’.
Pinababakante rin ni Pacquiao na kaagad ring pinagtibay ang Chairmanship ng Senate Committee on Agriculture na pinamumunuan ni Sen. Kiko Pangilinan, Education Committee ni Sen. Bam Aquino at Health Committee ni Sen. Risa Hontiveros.
Si Sen. Ralph Recto ang bagong Senate President Pro-Tempore, si Sen. Cynthia Villa ang mamumuno sa Agriculture Committee, napunta kay Sen. Chiz Escudero ang Education Committee samantalang pamumunuan naman ni Sen. JV Ejercito ang Committee on Health.
Si Sen. Antonio Trillanes ang pansamantalang magiging minority leader.
Sinabi ni Sen. Bam Aquino na ang pagkaka-tanggal sa kanilang mga komite na kanilang pinamumunuan ay may kaugnayan sa kanilang ginawang pagdalo sa EDSA anniversary na pinangunahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Maluwag daw nilang tatangapin sa kanilang kalooban ang pag-alis sa kanila ng mga komite na pinamumunuan.
Nagpasya rin sina Drilon, Aquino, Pangilinan at Hontiveros na humiwalay na sa Majority bloc at tatayo sila bilang mga miyembro ng minorya sa Senado.