De Lima pinayuhan ni Duterte na dagdagan ang panalangin

duterte-de-lima (1)
Inquirer file photo

“Damihan mo ang dasal”.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakakulong na si Senador Leile De Lima.

ayon sa pangulo, dapat damihan ni De Lima ang pagdadasal para lumabas ang katotohanan.

Si de Lima ay nahaharap sa kasong drug trafficking dahil sa naging partisipasyon sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Pagtitiyak ng pangulo, makakaasa si De Lima ng proteksyon sa kanyang karapatan.

Una rito, umaalma ang kampo ni De Lima dahil naniniwalang political persecution at harassment ang kasong isinampa at pagpapaaresto sa kanya na mariing itinanggi ng Malacañang.

Read more...