Pagpatay ng grupo ni Duterte idinetalye ni Lascañas sa video presentation

Arthur Lascanas
Inquirer file photo

May habang dalawang oras ang video testimony ni dating SPO3 Arthur Lascañas na nagde-detalye ilang kaso ng mga pagpatay na kinasasangkutan ng Davao Death Squad at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na hiwalay pa ito sa 19-pages affidavit na ginawa ni Lascañas bago ang kanyang pagharap sa media noong February 19.

Ipinaliwanag ni Trillanes na detalyado sa nasabing video ang ginawang pagpatay ng grupo nina Duterte at Lascañas sa broadcaster na si Jun Pala, ang pagmasaker sa pamilya Patasaja pati na rin ang pambobomba sa ilang mosque sa Davao City.

Ginawa umano ni Lascañas ang video dahil alam niyang target na siya ng mga tauhan ni Duterte na naglalayong tuluyan na siyang patayin.

Tulad ng naunang lumutang na si Edgar Matobato, aminado si Trillanes na siya ang nagbibigay ngayon ng seguridad kay Lascañas na nagsabing dating kanang kamay ni Duterte sa mga pagpatay na kinasasangkutan ng DDS.

Sinabi rin ni Trillanes na handa na si Lascañas na magbigay ng kanyang sinumpaang testimonya maging ito may ay sa Senado o sa hukuman na siyang magdidiin kay Duterte sa mga kaso ng pagpatay.

Read more...