Umapela na sa Korte Suprema si Senator Leila De Lima para mapawalang-bisa ang warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 laban sa kaniya.
Sa inihaing petisyon ng mga abogado ni De Lima, hiniling nilang mabalewala ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Juanita Guerrero gayundin ang pagpapahinto sa nasabing hukom na magsagawa ng pagdinig hinggil sa kaso ng senadora.
Partikular na inihirit ng kampo ni De Lima sa Supreme Court ang magpalabas status quo ante order sa isyu.
Nakasaad sa petisyon na mayroong “undue haste and inordinate interest” sa ginawang pagpapalabas ng warrant of arrest ni Guirrero gayung hindi pa nito naresolba ang motion to quash ng senadora na dapat ay diringgin pa lamang noon February 24.
“Haste, when unduly applied in the context of the criminal justice system, such that it constitutes a blatant failure to respect and uphold a person’s fundamental rights, and to observe the guarantees enshrined in the Constitution to protect the rights of the accused, it results in something far more destructive, more pestilent and graver than mere imperfection,” nakasaad sa petisyon.
Ayon kay Atty. Alexander Padilla, abogad ni De Lima, tanging ang Sandiganbayan lamang ang may hurisdiksyon sa mga reklamong isinampa laban sa senadora na sinasabing nagawa niya noong panahon na siya ay kalihim pa ng DOJ.
Bago inihain ang petisyon, nag-martsa patungong SC building sa Padre Faura ang mga grupong sumusuporta kay De Lima kasama ang kaniyang mga abogado.