Bagong Nokia 3310, mabibili na sa Abril

Photo from Nokia Website
Photo from Nokia Website

Pormal nang inilunsad ng kumpanyang Nokia ang bagong disenyo ng 3310 na cellphone, labingpitong taon matapos unang ilabas ng kumpanya ang nasabing unitl.

Sa isinagawang Mobile World Congress sa Barcelona, ipinakita ang bagong disenyo ng 3310 na bagaman halos kapareho ng dati na nitong itsura, binigyan ito ng mas magandang kulay, kurbada ang screen, mayroong 2G connectivity, 2 megapixel camera na may flash, may saksakan para sa headphone, may FM radio, MP3 player, 16MB storage at MicroSD card slot na hanggang 32GB.

Aabot din sa 22 hours talk time ang baterya ng bagong 3310.

Photo from Nokia Website

Maari din itong magamit para sa internet browsing, mayroong single SIM at dual SIM at mayroong apat na kulay na maaring pagpilian – warm red (glossy), yellow (glossy), dark blue (matte), at gray (matte).

At siyempre, hindi mawawala ang paboritong laro noon na Snake.

Ayon sa ulat, nasa $52 ang halaga ng cellphone at magiging available sa merkado sa 2nd quarter ng 2017.

Taong 2000, nang ilunsand ng Nokia ang orihinal na 3310 at nakabenta ng aabot sa 120 million units sa buong mundo. Dahilan para ideklara itong world’s best-selling mobile phones.

 

 

 

Read more...