Epekto ng tigil-pasada, ramdam na rin sa Cebu

Photo via Cebu Daily News
Photo via Cebu Daily News

Ramdam rin sa mga lungsod sa Cebu ang epekto ng tigil-pasada ngayong araw.

Sa Mandaue City, ang mga miyembro ng grupong PISTON ay maagang nagtipun-tipon sa Butuanon bridge para magsagawa ng protesta.

Mayroon ding hiwalay na grupo na nagprotesta sa bahagi ng p. Del Rosario Street sa Cebu City.

Sa Talisay City naman, iilan lamang ang mga pampasaherong jeep na bumiyahe patungong Cebu City.

Dahil dito, maraming pasahero ang na-stranded.

Nagtalaga naman ng tatlong bus sa bahagi ng Talisay City hall malapit sa Gaisano Mall at Tabunok flyover para maisakay ang mga pasaherong apektado.

Samantala, nagsuspinde na ng klase ang Cebu Institute of Technology (CIT) University mula pre-school hanggang senior high school habang tuloy naman ang klase sa kolehiyo.

Sa abiso ng CIT-U ang mastery test ng senior high school na nakatakda sana ngayong araw ay isasagawa na lamang sa February 28.

Maging ang University of San Jose–Recoletos (USJ-R) ay nagsuspinde na rin ng klase sa lahat ng antas para hindi maabala ng transport strike ang kanilang mga mag-aaral.

 

 

 

 

Read more...