Sa inilabas na resolusyon ni Hon. Anarica Castillo-Reyes, itinakda na sa April 27, 2017 ang pagdinig ng prosekusyon sa testimonya ni Veloso.
Ayon sa abogado ni Veloso at presidente ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) na si Atty. Edre Olalia, mangangahulugan ito na maari nang gawing ebidensya sa korte ang buong storya ni Veloso laban sa kaniyang mga illegal recruiters.
Gaganapin aniya ito sa Yogyakarta prison, kung saan magsisilbing observer si Judge Castillo-Reyes, na dadaluhan rin ng mga abogado ng NUPL, state proseuctors mula sa Department of Justice, mga kinatawan ng Department of Foreign Affairs at mga abogado ng kaniyang recruiters.
Dagdag pa ni Olalia, isa na naman itong legal vindication para kay Veloso at sa kaniyang pamilya.
Sa wakas aniya ay malaya na niyang maibibigay ni Veloso ang kabuuan ng mga pangyayari at ng kaniyang kinahinatnan, na kikilalanin ng korte dito sa Pilipinas.
Umaasa naman ang pamilya Veloso na wala nang makakahadlang pa sa prosesong ito.