Road rage killer sa QC, pinaghahanap na ng mga pulis

 

Contributed photo/Inquirer

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang driver ng sport utility vehicle (SUV) na nakapatay sa kapwa motorista dahil sa iringan sa kalsada sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Anthony Mendoza, 27-anyos at isang information technology professional, na binaril ng driver ng puting Toyota Land Cruiser na may plakang AHA 3454.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Michael Mendoza, nakasakay silang dalawang magkapatid sa motorsiklo at si Anthony ang nagmamaneho nito.

Muntik na aniya silang mabangga ng naturang SUV sa may kanto ng D. Tuazon at Quezon Avenue.

Dahil dito, kinausap ni Anthony ang suspek at nagkairingan ang dalawa, na nauwi sa pagbaril ng driver ng SUV sa ulo ni Anthony nang hindi man lang bumababa ng kaniyang sasakyan.

Tumakas agad ang SUV driver patungong Quezon Avenue, habang bumulagta na sa kalsada si Anthony.

Nanawagan naman si Chief Supt. Guillermo Eleazar ng Quezon City Police District (QCPD) sa Land Transportation Office (LTO) na magbukas na rin ng opisina tuwing Linggo upang madali nilang ma-trace ang plaka ng mga sasakyang nasasangkot sa krimen.

Ito aniya ay para madali rin silang makapagsagawa ng hot pursuit operation laban sa mga suspek.

Read more...