Sa advisory ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, bunsod ng nakatakdang strike ng iba’t ibang transport groups bukas ay minabuting i-lift ang number coding.
Pero nilinaw ng MMDA na ito ay para lamang sa public utility vehicles o PUVs.
Nauna nang inanunsyo ng PISTON, No to Jeepney Phase Out Coalition at Stop and Go Coalition ang kanilang nationally-coordinated transport strike sa buong Metro Manila at mga lalawigan sa Lunes.
Ito’y bilang pagkondena sa sa nakaambang pag-phase-out sa mga jeepney.
Asahan na raw ang tigil-pasada ng mga drayber sa mga ruta sa mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna; maging sa Camanava hanggang Bagong Silang, Quezon City mula Novaliches, Commonwealth, Cubao at Project 3.
Apektado rin ng strike ang mga ruta sa Maynila, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Muntinlupa, Paranaque, Las Piñas, Pasay, at iba pa.