Isa-isang inilalabas ang mga pasyente sa emergency room ng Capitol Medical Center para maiwasang makalanghap ng usok mula sa nasusunog na gusali sa tabi ng ospital.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – National Capital Regiona (BFP-NCR), itinaas na sa 5th alarm ang sunog na tumutupok sa gusali ng Hyundai Motors sa kahabaan ng Quezon Avenue pasado alas-siyete ng gabi kanina.
Dahil kalapit lamang ng Capitol Medical Center ang gusaloi kaya hindi maiwasang pumasok sa ospital ang napakakapal na usok mula sa nasusunog na ikalawang palapag ng naturang gusali.
Sa ngayon ay abala pa sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero at kanilang sinabi na hindi naman nadamay ang mga sasakyan sa service area ng Hyundai Quezon Avenue.
Sa ulat naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagsimula na ring magsikip ang daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng Quezon Avenue dahil sa sunog.